Monday, December 30, 2013

Bestfriend.

Ano ba yung bestfriend?

Naalala ko dati kapag sinabing bestfriend, siya yung super-duper-ultra-mega close friend mo.As in ang tagal nyo na. Yung lahat ng problema, napagdaanan nyo na. Nag-away na, nagparinigan, di nag-usap pero lahat yon nalagpasan nyo. Siya yung tipong kahit mag-away kayo never nyang ipagkakalat yung mga secrets nyo.

Mahirap makahanap ng bestfriend. Sa dinami-dami ng mga nagkalat na plastic ngayon, di mo na alam kung sinong totoo sayo. Minsan nga yung tinuturing mo pang kaibigan, siya pa pala yung tumitira sayo patalikod. Well, expect the unexpected! Kaya it takes time para mahanap yung sinasabi nating bestfriend.

Pero bakit ngayon iba na yung meaning ng bestfriend? Ngayon kapag tiningnan mo, 1 week palang bestfriend na. Yung iba naghahanap lang para may maka-call sign ng bes/besh/best/bf/bff whatsoever. Kapag opposite sex naman yung bestfriend mo for sure di lang bestfriend tingin nyan.

Ganito yang mga magbestfriend na yan eh.
  • Inlove si girl at kaso di sya gusto ni guy/may ibang gusto
  • Inlove si boy kaso di sya gusto ni girl
  • MU na pala
  • Sila na kaso bawal pa kaya tago lang muna as bestfriend
  • May lihim na pagnanasa sa isa't isa (hahahaew)
Haaay. Nakakalungkot. Nawawala na yung totoong meaning ng bestfriend. Basta nalang makisabay sa uso, may matawag na bestfriend, kahit sino nalang. Kaya nga "best" eh. Siya yung pinaka, as in, na friend. Sana magstay pa din yung meaning ng bestfriend. Na kaya mo sya tinawag na bestfriend kasi worth it nya yung tawag na yon. 

Saka kapag sa tingin mo nahanap mo na yung bestfriend mo, wag mo na papakawalan. Mas mahirap pa sa paghahanap ng boyfriend ang paghahanap ng bestfriend. One of a kind lang yan. Wag na wag mong ipagpapalit kahit kanino. Kasi once na nawala na yan, hinding hindi ka na makakahanap ng katulad nyan.



1 comment: