Kapag ako tinatanong kung anong gusto kong regalo, sagot ko lagi "happiness". Hindi naman sa hindi ako masaya ngayon. MASAYANG MASAYA NGA KO EH. =)) Ano lang, wala talaga kong masagot. Hahaha! Ang awkward kasi kapag tinatanong ka kung anong gusto mo eh or ako lang talaga naawkwardan? XD Eh kasiiii, bawal surprise? Hahaha! Mahilig kasi ako sa surprise. Saka wala naman sakin kung ano yung regalo eh. Minsan nga mas gusto ko pa yung may effort na regalo like letters, or basta ginawa lang mismo nung nagbigay. Yung may regalo na may reason behind it, kung bakit yun yung regalo nya sayo. Hindi yung bibigyan mo lang sya ng regalo ng basta basta lang. Hahaha. Ewan ko, feeling ko walang effort, binili lang basta.
Kaya nga kapag nakukulitan na sakin yung nagtatanong, ang sinasagot ko nalang yung mga bagay na mahal. Yung alam ko na hindi talaga nila bibilhin kasi nga mahal. Haha. Eh kasiiiiii, it's the thoughts that counts naman eh :")
No comments:
Post a Comment