Sunday, December 29, 2013

Sayang yung Tumblr.

Minsan na nga lang ako magbukas tapos issues pa maabutan ko. Anak ng tinapa. 2014 na tumblr famous padin issue na yan? HAHAHAHAHAHAHA. Bagong bago ah. Parang kadikit na ata ng tumblr ang issue. Laging tumblr-issue. Hay. Mga tumblr ngayon ginagawa nalang parinigan, pinanghahate sa iba o kaya pinanglalandi. Kaya ka nga nagblog para maexpress mo yung sarili mo hindi yung maitaas yang sarili mo para maibaba yung iba. Nakakalungkot. Sayang yung mga blogs dun na may kwenta pa, na may sense pa. Kasi pati sila nadadamay. Maraming magagandang blogs sa tumblr. Pero sana wag nang mag-away away yung mga bloggers dun, kayo kayo rin naman magkakasama eh. Magsisiraan pa ba?

No comments:

Post a Comment