Ewan ko ba dito kay daddy kung bakit biglang napakarandom ng sinasabi. Haaaay, ayoko pa ngang isipin yan eh.
Well, actually that's right. Ilang araw na nga lang ba yung meron kami? Bilang na bilang na yung oras na ipagsstay namin sa school namin na soon to be "alma mater" namin. Nakakatuwang isipin na yung 12 years kong pag-aaral dun eh ngayon iiwan ko na. Dati nung 3rd year ako, gusto ko na magfourth year. Gusto ko ng grumaduate. Syempre sino ba namang di maeexcite sa college life diba? At sino ba namang hindi magsasawa sa school mo na halos dun ka na lumaki? Pero ngayon, habang papalapit na ang expiration date namin sa laverne, saka ko nararamdaman yung ayoko-pang-iwan-tong-school-ko feeling.
Minsan kapag nakikitang kong nagtatawanan lahat, masayang-masaya, bigla nalang ako napapatigil, napapangiti. Naiisip ko na "Malapit ko ng hindi makita yung mga ngiti nya yan" . Ang sarap sarap nilang titigan na parang gusto mo ng itreasure lahat ng moment na meron kayo. Kung pwede ko lang ivideo sa utak ko yung lahat nangyayare, para naman kapag namimiss ko sila eh pwede kong marewind yung mga masasayang panahon na yun.
Natawa ko dun sa sinabi ni daddy, at the same time, natouch. Natouch kasi mamimiss nya yung mga kanta ko. Di ko na siya makakantahan. . . . . . silang lahat. Kahit na ayaw nilang kinakantahan ko sila, mamimiss ko pa din yun. Huhu. Dun sa late, haaaaaaaaaaay. Mamimiss ko talaga maging late. Yung mga itsura nila kapag nalaman nilang late na naman ako. Yung mga sermon at paalala nila, haaaay. Kapag naiiyak na ko, alam na alam na nila. Kabisadong kabisado na nila ko. Sila yung takbuhan ko sa problema eh. Sila yung mga tao na nakatiis sa ugali kong to.
Marami na kong nakasanayang gawin kasama sila. Nasanay na ko na isang tawag ko lang anjan na sila. Pero pagkatapos ng graduation na to, wala na lahat yun. Kelangan kong mamuhay sa panibagong mundo na wala sila. Mahirap. Oo, lalo na sakin kasi sobrang attached ko na sa kanila.
Marami akong mamimiss. Skie, burya, at lahat ng taong kaclose ko sa laverne. Siguro di ko palang tanggap na iiwanan ko na pagkatapos ng 2 buwan na to.
No comments:
Post a Comment