Friday, February 21, 2014

4th Month ❤️


Yieeee, four months na kami!!! Akalain nyo yun! Hahahaha jk. Despite of busy schedules, lalo na kami na graduating students at syempre yung hindi namin pagiging magclassmate, eto still alive and kicking padin. Mahirap, oo kasi may iba kaming circle of friends pero kahit na ganon ewan ko okay padin naman. 😊 Tulad kanina, may lakad daw pala dapat si gabs kasama ata mga kaklase nya pero still, andun sya at kasama namin. 😁😁 oh dibaaa, ang sweet. HAHAHAHAHA. 

Ang alam ko talaga ang gagawin dapat namin eh maggagala. Kaso aalis din kami bukas kaya sabi ni mama di ako pwede. Kaya sabi nila sa labas nalang daw kami ng bahay namin. Oh diba ang sweet sweet talaga nila huhu ☺️ Di ko naman ineexpect na kumpleto nga kami kasi syempre busy saka yung iba jan lumalovelife na, hi gabs. Hahahahahahaha jk. Pero pagkalabas ko talaga kumpleto kami eh. Hahaha! Saka may dala silang tinapay. Take note, tinapaaaaaayssssss!! Ang dami hahaha! Eh nakakahiya naman na sa labas kami tapos ganon yung set up diba? Hahahahaha. Matitiis ko ba yung mga yon? Tsss.

Kaya ang ending, sa third floor kami pumunta. Matagal nang gusto nila gabs saka josh pumunta dun eh. Kaya yon, wish granted. Hahahaha. Ayon, dahil mahal na mahal sila ng nanay ko may libre silang gummy bears! Hay nako!!! HAHAHAAHHA 

Nagkwentuhan lang kami don abt sa future tapos nagpicturan. ☺️ Syempre kelangan na naming lubus lubusin yung mga araw na magkakasama kami. Awwww. 😭😭 Sobrang mamimiss ko to.






Hi guys! Sana ganito padin tayo habang buhay ah. Please. 😔 Sana kahit gano tayo kabusy lalo na next year eh walang gap na mangyare. Mauulit to promise!!! May EK pa tayo remember hihi 😍😍😍 


Love you guys! 👭👫👬💋❤️





No comments:

Post a Comment