Nagpunta kami ni mama sa Divisoria last saturday. Titingin na kami ng gown kasi busy na kami sa next weekends kaya ayun lang yung time na available para makapili. Madaming gown dun as in. Kaso mga 30x na ata naming naikot yung place kasi wala naman akong magustuhan. Hahaha! Kasi naman! Nanghihinayang ako sa pera huhu. Yung mga nagugustuhan ko, mga worth 5k or 10k. JUSKO NAMAN. Isang gabi ko lang gagamitin tapos ganon kamahal huhu. Edi sana kinash ko nalang, may pambili pa kong libro! HAHAHAHAHHAAHA.
Eto yung isa sa mga sinukat kong gown. Nakalimutan ko kasi magpapicture dun sa iba eh! Hahahaha.Pero gustong gusto ko na to. Affordable naman yung price and basta trip ko yung kulay.Kaso sabi nila mama di daw maayos sa likod. Parang umbok umbok yung tela kaya yun. Huhu,sayang nga eh. 😔 Wala na naman kasi silang ibang stock kaya hanap nalang ulit.
Yan, nung mapadpad kami jan, triny ko muna yung color blue nyan. Kaso di ko nagustuhan kaya yung red nalang. Medyo inedit ko yung kulay saka chuvachenes nyan para naman may thrill padin sa prom hahahahahahaha. Pero red padin naman. Nagustuhan ko na kasi simple lang and parang same lang sila nung una tho may brooch yun at eto wala. Saka mejo malaki yung pagkaball gown nito kesa dun sa isa.
Lakas makared sa prom diba. Hahahahahaha!
Dapat nga uuwi na kami nyan eh kasi wala talaga kong mapili. Pano ba naman kasi yung mga gusto ni mama yung mga may ruffles ruffles o kaya naman maraming paarte sa damit! HAHAHAHAHHA Mukha kong shunga non XD Eh gusto ko talaga simple lang. Sa sobrang simple ng gusto ko, karamihan ng napipili ko, pang kasal. Kasi white lang siya taps ang konti lang nung arte. Elegante yung dating kaya ang ganda. Kaso pangkasal naman so alangan naman yun yung suot ko? Hahahahaha!
Sapatos saka accessories mga bag chuchu nalang. Atleast wala na kong iisipin na pang prom kasi sa 21 na yon. Huehueee 😘
No comments:
Post a Comment