Sunday, February 2, 2014

Three Day Camping!

Shet eto na guys. Eto na yung last camping namin. Mixed emotions eh. Syempre excited na hinde. Hahaha. Parang ayaw mo pa, ganun. Kaso wala eh, mabilis talaga ang oras kaya eto, last camping na namin. Haaays.

DAY 1

Bangag bangag talaga ko nung sumugod jan. Pano nagupload pa ko ng mga pictures tapos nag-ayos ng gamit. Ang aga pa naman ng assembly kapag staff huhu. Pero late nako dumating sa clubhouse. Mga 5:30 na ata hahahaha. Buti nga di ako pinagalitan eh! XD Saktong sakto lang pagdating ko eh, paalis na kagad kami. Haha. Pagdating namin ng IIRR, inantay muna namin yung iba na dumating tapos nag-si ayusan na ng camp. Ganon lang yung ginawa nung umaga ng first day. 

Pero umagang umaga, pinagalitan agad kami. Pano ba naman, kami ata yung mga pinakapanget na subcamp. Naturingang mga leaders eh. Hahaha! Pero ayun nga, kasi puro babae yung kumikilos. Yung iba nakikijamming, missing in action or ewan ko kung nasan. Kaya yon, nagalit sina sir jobs at sir bernard.  Pinalipat kami ng pwesto kasi ang panget ng pwesto namin kaya yun, mejo naging maayos na hahaha.

Mga nag-aayos ng tent :)


Field
Ayan na yung kinalabasan nung camp namin. Hihi. Porma no? Galing nung boys haha.

Camp Pilipinas FTW.

Hi Jerald!

Obvious bang naghuhukay ako nyan? Hoy di lang ako nagpapicture ha! HAHAHAHAHA Naghuhukay talaga ko nyan! Experience ba. Hahahahha. Ang bigat kaya pero keribells. XD Ang sweet sweet nga ni bebe josh dito eh. Ayaw nya kong paghukayin kasi mapapagod daw ako, aww. 

Nung hapon, nagstart na ng module 1. Sila dawn yung nakatoka dun kaya busy-ing busy sila. Buti nalang module 2 pa ko kaya hayahay. Hahahaha. Nagpipicture lang ako nun eh.

Wishing well


Bago kami papuntahin sa gaganapan ng recollection, may laptrip na nangyare. HAHAHAHHAHHA. Pinapasok ni sir jobs lahat ng studyante sa tent nila, siguro para matingnan kung may tent ba lahat. Eh kaming tatlo nila mommy, saka seth, walang tent. Sleeping bag lang dala ko eh. Di naman kami kasya sa tent ni grace kaya yon. Edi shit, nalintikan na, pasok daw! Ang ginawa namin, umupo nalang kami tapos yumuko, nagdadasal na sana di kami makita. Sinasabi pa ni jeseth na "Bag lang po kami" HAHAHAHHA TANGINA. Camouflage pa! XD Buti nalang talaga mejo madilim na yon kaya di kami masyado kita. Pumasok nalang kami nun sa tent ni grace nung pinalabas yung luzon sa subcamp nila. Kaya ang ending, sobrang siksik namin sa loob. Hahahaha!

Wala na kong maalala sa nangyari nung unang araw pero basta nung gabi nagkaron ng recollection. Recollection daw tawag dun pero basta yun nagtalk about kay God, ganyan. Mali lang yung ginawa nila kasi bakit gabi. Eh nakakaantok na kaya yan. Si kent na nga lang bumubuhay sakin nung gabing yan eh. HAHAHAHAHA. Tangina lahat nalang ng makita namin tinatawanan namin hahaha XD. 


After nito, nagkaron ng meeting yung mga staffs sa cottage kaya nandun muna kami. Biglang sinabi ni sir fad na yung girls daw dun matutulog sa isang kwarto. MWAHAHAHAH <3 Edi syempre ligo na ligo na aba! At habang naliligo ako, ayun nagpicture-an na sila :( Daya daya huhubels. HAHAHAH JK.

Hi girls!
 Yung module ko nyan,, madaling araw. Kaya wala na kong balak matulog kasi baka hindi ako maging ng 2 am. Kasama ko si bebe josh dito. Lahat na ng pwedeng pampagising ginawa ko na huhu. Ang bait bait lang nila daddy,mommy & kent kasi sinamahan nila ko sa labas para may kasama ako hu <3

Mga 2 nagpatawag na ko. Over-all? HINDI NILA MAGETS HUHU. Alam nyo yung gustong gusto ko na sabihin sa kanila para tulugan na? Huhubells. Inabot kami ng 4 am jan lecheee. HAHAHAHHA. Pinakamatagal visayas eh. Konti nalang talaga makakatulog nako sa gulong non! HAHAHAHA BUSET.

At dahil late na nga ko natulog, mga past 9 na ko nagising!! Dahil pa kay zach kaya ko nagising eh :( Lakas lakas ng boses. HAHAHAAHHAHA ASAR. Diba obvious na naenjoy ko yung tulog ko? Haha. Narinig ko naman na sabi ni sir okay lang matulog ako ng matagal eh. XD

Hi Zachhh!

Day 2

At dahil nga late na kong nagising, lahat sila inaaway yung pagtulog ko :( HAHAHAHAHA Kasi naman eh, sila ang haba haba nung tulog nung gabi! Bumawi lang ako no :( XD Wala na kong natatandaang nangyare nung day 2 basta pinagpatuloy lang yung modules non. As usual, nagpicture lang ako. Hahaha!

Module ata ni grace to. :)

with daddy and sir bernard
Kamusta naman get up ko nun diba. Sweaters + shorts + black socks + slippers HAHAHAHAHAHHA Jeje nga daw eh :( XD Katamad kaya magpalit. HAHAHA. Sinasabi ko senyo, natulog ulit ako nung hapon. Promise. Haha. Inaantok kasi ulit ako nung hapon, kaya yun natulog ulit ako. Nagising nako mga 5 na ata. Basta tapos na yung mga modules! Gulat nga ko eh, wala man lang nanggising sakin HAHAHHAHA. Nung tinanong ko sila kung bat di nila ko ginising, lahat sagot nila "Nakakatakot kang gisingin eh" HAHAHAHAHHA DI NAMAN PO AKO NANGANGAIN EH :( XD Buti nga di ako pinagalitan ni sir bernard, kasi nagpatawag daw ng meeting yung mga staffs eh tulog nga ko hahhahhah shet. 

At dahil nga natulog ako buong araw, ang pinakahighlight nalang ng araw ko eh yung campfire. Kahit mejo epic fail, okay nadin naman. Hahahaha! Nagpresents lang ng mga cheers and handclaps tapos yung Talentadong Scout tapos yung Mr.and Ms. Bodycamp. 




Teka, papakilala ko pala muna senyo yung baby ko. 


Sya yung nakatayo. Ang qt qt nya diba? :""""""> Nung nakita ko talaga silang dalawa non as in gustong gusto ko na sila picturan huhu. Buti na nga lang bibo yung baby ko eh. Haha. Di sya nahihiya, mas mahiyain pa sakanya yung kuya nya (yung nakaupo) huhu. Pag sinabi mong "picture ka" magpopose talaga sya! Huehueheuheuhue!! <3 Gustong gusto ko na sya iuwi like seriously. 


Hay jusko sobrang fluffy ng cheeks nya huhu <3 Tingnan nyo naman diba, umupo pa sya sakin. Sabi ko senyo di sya mahiyain eh. Haaaay <3 Hi gaiz, meet my baby. :">

Pagkauwi, nagkameeting lang ulit yung staffs then nagsipagtulugan na. Di pa nga ko inaantok nun eh kaso wala na kong kasama kaya yun. 

DAY 3

Ang aga naming ginising dito kasi nga hiking na. At ang ending, sa award committee lang din pala kami at di kami makakasama ng hiking huhubels. Gumawa lang kami ng awards nila mommy, seth saka kent. Tapos nung mejo tinamad na, pumunta na kami sa bagong trail!!




I can say na mahirap talaga yung trail ngayon. As in super layo ng lakaran. Nakakapagod talaga. Mejo nakakainggit lang kasi buti pa sila masaya yung hiking. Eh kami last experience pa namin ng camping eh 2nd year pa. Kasi nga staffs na din kami last camping eh. Kaya nga excited na excited ako nung sinabi na yung mga staffs daw gagapang din! HAHAHHAHA SHET. 



Eh kasi may uling uling pa kami nyan hahahahahahha buset. Hoy hoy, nakatawid ako dun sa ilog ng di nahuhulog shete!!! HAHAHAHA BUWIS BUHAY YON AH! Hay nako. Gumapang pa ko kaya may mga sugat tuloy yung legs ko huhu :( Pero over-all? naenjoy ko sobra yung hiking. Kahit kami lang naman yung naghiking nung mga panahong yon. Hahahahahahahahha. 

Pagbalik ng camp, nagkayayaan magswimming kaso di pinayagan puta. Hahahahahahah bwiset eh. Ayun inasikaso nalang namin yung awards.


Camp Mindanao pala yung over-all champion! Huehue. <3 After non, uwian na! Last na umuwi yung mga staffs. Grabeng tagal nga nung mga jeep eh! Nakapaglaro na kami't lahat ng patintero, wala pa din. Huhubels. 

So, tapos na ang last camping sa highschool. Nakakalungkot, wala na kaming ganyan next year. Huhu. Siguro eto pinakamamimiss ko sa laverne, yung mga campings. Haaay buhay. Owells, sobrang naenjoy ko naman kahit na natulog lang akonung 2nd day :( HAHAHAHAHAHAHHA.




No comments:

Post a Comment