Friday, March 7, 2014

Ilang araw nalang at gagraduate na kami. Akala ko nung first year ako masaya to. Syempre sino ba namang hindi sasaya kapag natapos mo ang highschool diba? Pero masasabi ko ngayon na ayoko pa talagang iwan ang highschool life. 

Sabi ng mga kaklase ko sakin, 2 weeks nalang daw ang meron kami so bale 10 days nalang yon. Di naman sila nagcocountdown eh no? 😩 Mahirap tanggapin na yung dating sinasabi mo na "Ang tagal ko namang grumaduate!" eh eto na sa harapan naming lahat at hinihintay na kami. Paranh gusto ko na tuloy bawiin lahat ng sinabi ko na masaya maging college student. 

Ang dami kong mamimiss. Ang dami ko ng nakasanayan na dapat ko nang bitawan sa March 25,2014. Alam nyo bang araw araw ko ng hinahanda yung sarili ko jan para sa event na yan? Sinasabi ko sa sarili ko na "Wag kang iiyak, di naman kayo maghihiwalay forever eh. Magkikita pa naman kayo" na alam ko na kasinungalingan lang. Kasi once na naging college na kayo syempre busy na. Lalo na kapag iba iba kayo ng school at malalayo pa sa isa't isa. 

Nakakainis man pero di ko talaga mapigilan na di umiyak kapag binabalikan yung mga nangyare dati. Parang ang bilis bilis talaga. First year lang ako nun tapos ngayon bbye highschool na. Di ko naman to naramdaman nung grade 6 ah. Haaaaaaay. 

Sana ganon kadali maglet go no. Edi sana di ako nahihirapan ngayon.

No comments:

Post a Comment