Nakikita nyo ba yan? Shet huhuhuhuhu. 😩 Ramdam na ramdam na ramdam na ramdam ko na talaga na gagraduate na ko! Baket ganito hays. Pero alam nyo ba nung ako na yung pipicturan, may ibang feeling pa din eh. Yung parang "Yes natapos ko na yung apat na taon!" na feeling. Obvious naman sa ngiti ko diba? Hahaha! Syempre may part pa din sakin na masaya kasi hindi rin naman biro yung apat na taon na pagiging highschool. Malaking achievement din yon para sakin. Nung sinusuotan nga ko nung toga tangina excited ako eh. HAHAHAHHA. Last na suot namin nun eh grade 6 pa. Parang "Wow, eto na talaga yon. ". Kung dati, malabo pa yung pinto na nasa harapan namin, ngayon hindi lang basta pinto ang naghihintay samin kundi may nakalagay pa na banner na "GAGRADUATE NA KAYO!!!" Hahahaha! Srsly. 😂
Pero mas malaking part sakin yung malungkot. Malungkot talaga putangina. Iiwan ko na yung 13 years ko na naging pangalawang bahay. Di nako ulit maglalakad sa parehong route lagi. Wala na! Wala na lahat. Maghihiwa-hiwalay na kami ng mga kaklase ko. Kung nung grade 6 joke joke lang na hiwalay, SHET ETO NGAYON TOTOHANAN NA. Talagang magkakaibang mundo na kami ngayon huhu! Pero ang mas masakit, yung mga naiwan namin na kaibigan sa school. Lalo na yung skies 💔💔💔💔💔 Hay Lord. 😩😩
8 days nalang. Putangina bat ganto.
No comments:
Post a Comment