Sunday, March 23, 2014

Rover Departure ft. Last day.

Naglast day na kami nung thursday. Rover departure nadin kasi namin. Nung wednesday palang, nanguha kami ng banana leaves with skiee! Kaya yon napagusapan na papasok kami ng maaga. 6 daw kasi nga may training pa sila gabs. At dahil gusto kong makasabay sila sa last day, gumising ako ng maaga!!! Omygahd pls spell effort. Hahahahaha!! Kaso si josh naman wala! Hay nako haha. Pero nakakamiss talaga yung ganong moments eh. Yung mga panahong pinapapasok kami lagi ng 6 am dahil sa eagle chuchu na yan haaaays.



Nung umaga wala kang talagang ginagawa. Nagtetext lang ako nun e tas picture-an haha! Nung mga bandang 9 na, biglang pumito si sir jobs!!! Sht officers yon hahaha tanginuuh di pa ko nakaipit non tas yung bangs ko tas yung notebook ko as in tumatakbo na ko pabalik balik wtf. Haha! Tapos grabe yon, mga isang oras ata kami nakatayo 😭😭 Nung una kasi, officers lang yun tapos pinatawag na yung fourth year tapos buong year levels na. Tapos nakatayo padin kami. Nauna pang paupoin yung mga lower levels!!! Nasan katarungan dito ugh hahaha! Chineck lang yung notebooks ng fourth year pero kasi sobrang tagal talaga like srsly. 

Nung natapos ma lahat, pinakuha na yung mga gamit para sa gagawing rover departure.



Ngagshare share lang ganon, messages tapos binasbasan na kami nung sword. Waaah eto na yon last na talaga tanginuuuh!!



After nyan, magboboodle fight naaa!! ❤️



Nagpicture-an din kami after ng kainan eh. And may picture kami na buong family hihi! At last ❤️❤️



Ang saya saya kaya nyan kasi lahay nagpipicture-an. Tinatry imaximize yung oras na natitira hays! At syempre, dumating na ang panahon na ayoko mangyare. Haha! Yung pagbbye sa lower levels. Shake hands yon sa lahat ng highschool. At tanginuuh nakakaiyak yon huhu. Last year nga nauna pa kong umiyak sa mga graduating!! Pano pa ngayon na ako yung ggraduate? Hhahaha asar. Sabi ko pa naman nun kila mommy di ako iiyak kasi pinaghandaan ko tong event na to which is partly true. Kinausap ko na yung sarili ko na wag akong iiyak. Hahaha tangina di pala effective!!

Nakakainis kasi si sir jobs yung unang una at sa kanya palang naiiyak nako. Ugh! Hahaha. Kasi naman sabi ni sir, "Hanggang sa muling pagkikita" tapos tinap ako sa likod. Sabi pa ni sir, "Wag ka ng umiyak, magkikita pa naman tayo eh" huehuehuehuehuehue!!! Tapos sumunod na sila gabs ugh! And umiiyak sila huhuhuhuhuhu. Niyakap ko kaya sila gabs saka josh huhu. Sobrang mamimiss ko yung dalawang yon hays 😭😭😭 Pati si johnson niyakap ko eh sabi ko mamimiss ko sya tas sabi nya sakin after nung ceremony, "Naiiyak ako kanina dahil kay pat eh" HAHAHAHAAHAH! Nakakatuwa yung lower levels kasi kahit di kami ganon kaclose nung iba, niyayakap padin nila ko tas sinasabi na goodluck ganyan. Pero syempre ang pinaka natuwa ako na message eh yung kay shai. HAHAHAHA Nung siya na yung kakamay, sabi nya sakin "Gagraduate ka na te pat. Wala na kong kasama malate haha. Ako na ang bagong reyna." HAHAHAHAHAHAHA KAINIS!!! Meron dun na mejo nakatahan na ko eh. Kaso si sir bernard yung next kaya boom iyak ulit haha! Nakakainis syempre sobrang mamimiss ko yung si sir bernard kahit ganon yon! Parang tatay na rin namin yun eh. Hayss.  Huhu, pero mamimiss ko talaga sila lahat huhu. Sila tim nga tas reden nga umiyak din eh. Awwww. ❤️ Tas si tim, hinug ako tas sabi nya "wag ka na umiyak! Magkikita pa eh" hahahahaha bwisit talaga yon panira ng moment lagi eh. Hahahaha!! After nung iyakan moments, nagpicture kaming lahat 😁 Hashtag naiyak pa yan ah. Haha!



Nung tapos na, nakasalubong ko si nadong tas inaasar ako na iyakin haha kainis. Sabi ko kasi sa kanya di ako iiyak eh. Hays. Pero yon kinuha ko yung mga bag nila tas may nilagay akong bomba. HAHAHAHAHA JOKE. Basta yung letter ko. Sabi ko nga sa kanila after 5 years na basahin eh, kaso ang kukulit. Yung iba binasa na haha. Saka di ko talaga pinapalabas sa kanila kasi hindi lahat meron non and nahihiya talaga ko. Ang drama ko kaya don! Hahahahahaha hays! 

Nagpractice lang kami nung gagawin sa grad tapos konting tambay then picture tapos umuwi na kami.

Last day na talaga. Last na suot ng rover uniform. Last na higa sa classroom. Last na punta sa fourth floor Last day ng highschooooool. 😞😭😪

No comments:

Post a Comment