Tuesday, April 8, 2014

"Bat ba kasi gusto mo siyang kasama?"

Bakit nga ba? Kasi ayokong maulit yung nangyari dati. Di ko na afford na mawalan ulit. Tama na yung isang beses na nagkamali. Natuto na ko, alam ko yung mga naging kasalanan ko at ayoko ng mangyari ulit yon. Kaya hanggat maari, gusto ko magkakasama. Ayoko nung may naiiwang isa. Kasi jan din nagsimula yung dati eh. Hanggang sa nakasanayan nalang. Parang ngayon, kapag nakasanayan na rin to, wala na. Wala na naman lahat.

Kaso parang tama rin sila eh. Hayaan ko nalang. Wag na hanapin ang wala. Ayoko naman kasing kulitin ka. Nagtext na ko sayo ng ilang beses, di ka nagrereply. Niyaya ng ilang beses, laging busy o may gagawin. Naiintindihan ko naman eh. Kaso di na kasi katulad ng dati. May gap na nabubuo. Kanina, umaasa pa ko na dadating ka, kahit humabol man lang. Pero wala. Siguro nga nagiging OA lang ako. Pero kasi kasalanan ko ba kung mamiss ko yung dati? 

No comments:

Post a Comment