Dun sa binigay kong message sa kanila na nasa bote, malalaman mo kung sino yung excited makabasa nung letter mo eh. Yung sobra sobrang nakaapreciate. Okay lang yung dun sa 4 na malalaking bote kasi madali lang talagang kunin yon. Pero yung dun sa maliliit? Mahirap kunin. Kelangan ng effort bago makuha. Pero nakakatuwa yung iba kasi talagang gustong gusto nilang makuha yung message at mabasa. Kahit sinabi ko na after 5 years pa nila pwede basahin. Nakakatuwa na kahit maliit yung butas, ginawan nila ng paraan. Hindi sila tinamad. Dun mo malalaman kung sino yung talagang may pakielam sayo eh no :)
No comments:
Post a Comment