5 palang umalis na kami ni mama dito. Hello kabangagan. Hahahaha! Pagdating don, andami na ring tao. Mga nawaitlist din siguro. Tapos pinapila lahat per course. Buti pa yung ibang courses, pinayagan na sila kagad. Pero kami? 11 pm na wala pa. Ang nakakatawa pa e pag tiningnan mo yung pila namin (aero) ako lang yung babae. Buset na yan hahahahaha! Yung mga magulang nga don, tinatanong kung sure ba daw ako sa course ko eh HAHAHAHAHAHAHA HAYS! Ang tagal naming walang ginagawa don as in. Yung feeling na para kayong nagiintay sa wala kasi di nyo pa alam kung sure na ba talaga kayong makakapasok. Hanggang sa hapon na at nakalimutan na ata nila kami don. Hahahahaha sinabihan kami na pwede na daw kami magpaxray na sa labas at drug test. Wtf nalimutan nila na may tao oang naghihintay huhu. Edi sana maaga kaming nakatapos hays. Pumunta kami ng baclaran kase don daw may xray saka drug test. Tapos inantay nalang namin yung result kasi 5 pm daw makukuha na yon agad. Ayon may mga new friends din haha. Tapos yun umuwi na kami tapos bumalik kami ngayon.
Enrolment na ngayon. Wtf enrolment na guys!!!! Basta ang haba haba ng ginawang process. Nakuha ko na schedule ko, morning kinuha ko e. Para 1 pm last subj ko. Maaga pa ko makakauwi. Pinoproblema ko e umaga. Umaga yon umaga!!! Hahahahaha baka magising ano? XD Deh kaya yan huehue. Kesa naman kasi sa hapon e baka tulugan ko lang mga prof ko? HAHAHAHAHAHA Kaya yon. May uniforms na din ako. Yung sch. Uniform, PE, departamental shirt, saka ROTC. Nag id picture na nga eh! Hahahahaha! Totoo na talaga to. Sa philsca na talaga ko mehehe.
Kahit natatakot ako kasi sabi nung mga profs don, first year namin puro math. Saya diba. Tapos 5 years pa ko. At talagang duguan daw yung course ko. Huhu please help me God. HAHAHAHAHAHA.
Future Aeronautical Engineer and soon to be pilot here ❤️
No comments:
Post a Comment