Tuesday, April 22, 2014

Aeronautical Engineering

Ganda pakinggan no? Pag may nagtanong sayo, "Miss ano course mo?" Syempre sasagot ako ng "Aeronautical po" Karamihan ng mga reaksyon na makukuha mo e "Wow!" Kasi ang ganda naman talagang pakinggan. Parang pang out of this world yung course mo tapos konti pa kumukuha. Kaso sa totoo lang natatakot ako. Seryoso.

Nagbabasa-basa na ko ng tungkol jan. Mga blogs nang mga studyante na nagaaral sa philsca or patts na aero eng din yung course. At lahat sila iisa yung sinasabi. MAHIRAP daw talaga. Puro math eh. Lalo pa kong kinabahan dun sa sinabi nung isa na nangalahati sila nung 1st sem palang. Yung iba naging irreg na agad. Oh diba first year palang tangina huhu. Sabi pa nga nya, iba daw yung approach ng math sa kanila, kung sa science hs ka nagaral, baka makasabay pa. Pero kapag hindi, huhu saan ako pupulutin nito? Buti sana kung science hs yung lva diba? Hahahaha! Pero nakakatakot naman kasi talaga. Hindi biro ang pagaaral ng eroplano. 

Minsan nga naiisip ko, ang lakas ng loob kong kumuha ng ganitong course eh hindi naman ako ganon katalino. Kapal ko no? Hahaha! Pero sana matapos ko to. Sana makayanan ko. Nadadaan naman to sa sipag diba? Huhu kelangan ko ng motivations pls. 😩😩😩

No comments:

Post a Comment