Kanina talaga, naiiyak na ko. Halo halo yung nararamdaman ko. Kanina kasi nagbabasa-basa ako ng mga tungkol sa mga aero atudents diba, feeling ko nadidiscourage ako. As in parang gusto ko ng bawiin yung pageenroll ko. Naiisip ko kasi, pano kung di ko kayanin? Pano kung wala akong makuhang trabaho? Pano pag ayoko na pala sa eroplano? Ang dami daming tanong na nasa utak ko kanina. Feeling ko anytime babagsak na yung luha ko kay mama. Gusto kong sabihin kay mama na ayoko na. Na dun nalang ako sa madaling course. Tinatanong nga ako ni mama kung anong problema eh, kase ang bigat bigat talaga ng pakiramdam ko kanina.
Kaya nagyaya akong pumunta ng palengke para maclear naman ang thoughts ko. Dun, ang daming payo ni mama. Feeling ko nararamdaman nya na nadidiscourage na ko. Sabi nya positive lang daw lagi. Mas maganda kung ganon yung way ng pagtingin. Basta ngayon mas okay nako. Hahaha.
Masusurvive ko to. Tiwala lang. 👌
No comments:
Post a Comment