Friday, May 2, 2014
Hello May! ππ
Grabe natapos na yung isang buwan ng summer. Actually medyo boring april ko eh. Pano di ganong makagala kasi wala pa si papa so walang driver hahaahha jk jk. Pero srsly yun nga. Ang pinakahighlight lang eh yung paguwi ko lagi sa Lucena mehe. Party life plus night lifeee ❤️ Sa lucena ko lang kasi nagagawa yon eh. Hahahaha! Pero ngayong may, feeling ko sobrang gulo ng buwan na to. Hahahaha! Pauwi na si papa, yung mga pinsan ko sa qatar pauwi na ren, may family reunion din kami, at kasal pa nung pinsan ko. Ughhh feeling ko ngayon palang yung summer ko hahaahha. Exciteeed na ko! Uwi na kayo mga bebeloves lezz do this ❤️
Monday, April 28, 2014
Happy Birthdaaaaaaaaaaaay bebe josh!! ❤️ππ
Happy birthday sa nagiisang bebe josh ko! ❤️ Ikaw ha di ka nagsasabi birthday mo pala! Psh. Pero anyways happy birthday to youuuu, happy birthdaaaaay happy birthdaaaaaay happy birthdaaaaaaay to youuuu πΆπΆπΆ Di na ko magddrama ng sobra ha. Hahahaha! Basta kahit anong mangyare andito padin ako. Please wag na yung mga hiya hiyang ganyan, tropa eh! Kung may problema sabihin kagad, andito naman ako palagi. Salamat sa memories bebe josh. Kahit college na kami, ikaw padin yung bebe ko. Alagaan mo si nella ha? Lagot ka samin!!! Hahaahahhaah jk. Basta magaral ka ng mabuti!! Kahit na ikaw lagi ang laman ng camera ko plus si gabs, (hi gabs) haahahahahhaahahha mahal ko pa din kayo. Mwa mwa ingat ka lagi. Di mo ba napapansin na ang dami na nating picture? Yieeee natupad yung 1000 picture na gusto mo. Hahahaha! Happy birthday ulit bebe. Enjoy your day miss you!! π
Wednesday, April 23, 2014
Alam nyo nung una, gustong gusto ko talaga magaral sa Manila. At isa lang yung rason nun. Gusto kong makaalis ng bahay. Nahihigpitan ako masyado kay mama, gusto nya laging alam kung sino yung kasama ko pagaalis. Bawal gumala pag ganyan, basta natatakot ako na baka hanggang college ko ganon padin yun.
Pero ngayong nakapagenroll na ko, biglang parang ayoko na magdorm. Hahahaha tanga e no. Natatakot kasi ako. Ako lang magisia, pano ako mabubuhay? Pano kapag sobrang stress na ko sa pagaaral? Baka magsuicide lang ako dun huhu. HAHAHHAHA PERO SRSLY NAIISIP KO TALAGA YON HAYS Parang hindi ko ata kaya na mahiwalay kila mama huhu. Kasi sila lang yung nagpapalakas sakin e. Pano kapag sobrang down ko na? Huehuee. Sino na magpapalakas sakin?
Pero ngayon ko lang narealize kung ano talaga yung reason ko kung bakit gusto ko sa Manila. Hindi pala si mama yung gusto kong layuan. Kundi yung comfort zones ko. Nandito lahat sa bahay yung gusto ko. Isang sabi ko lang anjan na agad. Gusto ko nang sanayin yung sarili ko na wala sila. Alam nyo naman na sobra akong maattached sa isang tao diba? Sobrang mahihirapan ako ng walang sila. Hindi lahat magsstay at alam ko sooner, mawawala din sila. Kaya pano ako? Ako din yung mahihirapan. Kaya nga siguro gusto ko sa Manila eh. Atleast don masasanay ako ng walang sila. Para pagdating ng panahon na ako nalang magisa, hindi na ko mahihirapan.
Tuesday, April 22, 2014
Kanina talaga, naiiyak na ko. Halo halo yung nararamdaman ko. Kanina kasi nagbabasa-basa ako ng mga tungkol sa mga aero atudents diba, feeling ko nadidiscourage ako. As in parang gusto ko ng bawiin yung pageenroll ko. Naiisip ko kasi, pano kung di ko kayanin? Pano kung wala akong makuhang trabaho? Pano pag ayoko na pala sa eroplano? Ang dami daming tanong na nasa utak ko kanina. Feeling ko anytime babagsak na yung luha ko kay mama. Gusto kong sabihin kay mama na ayoko na. Na dun nalang ako sa madaling course. Tinatanong nga ako ni mama kung anong problema eh, kase ang bigat bigat talaga ng pakiramdam ko kanina.
Kaya nagyaya akong pumunta ng palengke para maclear naman ang thoughts ko. Dun, ang daming payo ni mama. Feeling ko nararamdaman nya na nadidiscourage na ko. Sabi nya positive lang daw lagi. Mas maganda kung ganon yung way ng pagtingin. Basta ngayon mas okay nako. Hahaha.
Masusurvive ko to. Tiwala lang. π
Aeronautical Engineering
Ganda pakinggan no? Pag may nagtanong sayo, "Miss ano course mo?" Syempre sasagot ako ng "Aeronautical po" Karamihan ng mga reaksyon na makukuha mo e "Wow!" Kasi ang ganda naman talagang pakinggan. Parang pang out of this world yung course mo tapos konti pa kumukuha. Kaso sa totoo lang natatakot ako. Seryoso.
Nagbabasa-basa na ko ng tungkol jan. Mga blogs nang mga studyante na nagaaral sa philsca or patts na aero eng din yung course. At lahat sila iisa yung sinasabi. MAHIRAP daw talaga. Puro math eh. Lalo pa kong kinabahan dun sa sinabi nung isa na nangalahati sila nung 1st sem palang. Yung iba naging irreg na agad. Oh diba first year palang tangina huhu. Sabi pa nga nya, iba daw yung approach ng math sa kanila, kung sa science hs ka nagaral, baka makasabay pa. Pero kapag hindi, huhu saan ako pupulutin nito? Buti sana kung science hs yung lva diba? Hahahaha! Pero nakakatakot naman kasi talaga. Hindi biro ang pagaaral ng eroplano.
Minsan nga naiisip ko, ang lakas ng loob kong kumuha ng ganitong course eh hindi naman ako ganon katalino. Kapal ko no? Hahaha! Pero sana matapos ko to. Sana makayanan ko. Nadadaan naman to sa sipag diba? Huhu kelangan ko ng motivations pls. π©π©π©
Philsca.
At dahil waiting list nga ako jan sa philsca, pinapabalik kami ng 21 para malaman kung makakapasok pa ba ko or hindi. Dapat sana si mama nalang yung pupunta don kasi nga may EK dapat kami ng skies. Kaso di naman natuloy so sumama nalang ako. Akala namin maaga kaming makakauwi kasi di pa naman kami mageenroll eh. Talagang aalamin lang namin kung pwede na ko don. Kaso inabot na kami dahil sa sobrang tagal don. Hays.
5 palang umalis na kami ni mama dito. Hello kabangagan. Hahahaha! Pagdating don, andami na ring tao. Mga nawaitlist din siguro. Tapos pinapila lahat per course. Buti pa yung ibang courses, pinayagan na sila kagad. Pero kami? 11 pm na wala pa. Ang nakakatawa pa e pag tiningnan mo yung pila namin (aero) ako lang yung babae. Buset na yan hahahahaha! Yung mga magulang nga don, tinatanong kung sure ba daw ako sa course ko eh HAHAHAHAHAHAHA HAYS! Ang tagal naming walang ginagawa don as in. Yung feeling na para kayong nagiintay sa wala kasi di nyo pa alam kung sure na ba talaga kayong makakapasok. Hanggang sa hapon na at nakalimutan na ata nila kami don. Hahahahaha sinabihan kami na pwede na daw kami magpaxray na sa labas at drug test. Wtf nalimutan nila na may tao oang naghihintay huhu. Edi sana maaga kaming nakatapos hays. Pumunta kami ng baclaran kase don daw may xray saka drug test. Tapos inantay nalang namin yung result kasi 5 pm daw makukuha na yon agad. Ayon may mga new friends din haha. Tapos yun umuwi na kami tapos bumalik kami ngayon.
Enrolment na ngayon. Wtf enrolment na guys!!!! Basta ang haba haba ng ginawang process. Nakuha ko na schedule ko, morning kinuha ko e. Para 1 pm last subj ko. Maaga pa ko makakauwi. Pinoproblema ko e umaga. Umaga yon umaga!!! Hahahahaha baka magising ano? XD Deh kaya yan huehue. Kesa naman kasi sa hapon e baka tulugan ko lang mga prof ko? HAHAHAHAHAHA Kaya yon. May uniforms na din ako. Yung sch. Uniform, PE, departamental shirt, saka ROTC. Nag id picture na nga eh! Hahahahaha! Totoo na talaga to. Sa philsca na talaga ko mehehe.
Kahit natatakot ako kasi sabi nung mga profs don, first year namin puro math. Saya diba. Tapos 5 years pa ko. At talagang duguan daw yung course ko. Huhu please help me God. HAHAHAHAHAHA.
Future Aeronautical Engineer and soon to be pilot here ❤️
Subscribe to:
Posts (Atom)